Binuweltahan ng young actor na si Baron Geisler ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patricia Martinez. Sinampahan ni Baron ng reklamong unjust vexation si Patricia bilang sagot sa acts of lasciviousness na isinampa naman ng dalaga sa kanya. Nag-submit si Baron ng kanyang counter-affidavit laban kay Patricia noong June 11.

Ayon kay Baron, si Patricia raw ang nagyaya at nagpilit sa young actor. Si Patricia rin daw ang yumakap nang mahigpit kung kaya natamaan ni Baron ang dibdib nito.

Wala rin daw naganap na pambabastos. Nadismaya raw si Patricia dahil walang nangyari sa kanila ni Baron. Sa inis ng young actor, binuweltahan niya ng reklamong unjust vexation (panggugulo o pang-iirita) sa kanya si Patricia.

Nagsalita ang abogado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan sa The Buzz kahapon, June 15, tungkol sa kasong isinampa ng young actor sa korte.

Kuwento ni Atty. Alentajan, "Habol siya [Patricia] nang habol kahit saan lumipat ng mesa si Baron. Habol pa rin siya. Siniksik niya ang katawan niya pati ang kilikili niya. Yung mukha niya naisiksik niya sa kili-kili ni Baron. Kasi ang higpit ng yakap niya. Siniksik niya ang bibig niya sa tenga ni Baron. Yun ang ikinainis ni Baron."

Taliwas naman ito sa naging unang pahayag ni Baron pagkatapos magsampa ng reklamo si Patricia. Ayon sa young actor, "Ako mahilig ako na kapag may bago akong role like bading, ginagawa ko to my friends and asking for their approval. Ito bagong role ko na manyak. Siguro she took it a wrong way. Di ba, parang kapamilya? So akala ko ay maiintindihan niya na naglalaro ako as a character. E, galing ako sa workshop, so yun lang."

Noong Biyernes, June 13, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Panelo, nakuha ng mga Martinez ang kopya ng counter-affidavit ni Baron at pigil sila sa pagbibigay ng komento.

"Nairita siya [Baron]. May sexual advances daw si Patrizha. Kapal niya!" sabi ni Atty. Panelo.

Dagdag pa ng abogado, "Pero yung affidavit niya, meron siyang pag-amin na na-touch niya yung breast."

Nagbigay rin ng pahayag sa The Buzz ang ina ni Patricia na si Yayo. "Itutuloy na lang natin yung case. Kung ano yung sinabi ni Attorney, yun na. Ayoko talaga mag-comment. She's okay, coping, thank you," pahayag ng aktres.

Ipinaliwanag naman ng kaibigan at representative ni Baron na si Hazel Sarmiento kung bakit wala ang young actor nang magsumite ng affidavit sina Patricia.

"Nag-submit na kami ng counter-affidavit, e. Hindi siya available ngayon," sabi niya.

Mas pinili naman ni Baron na manahimik at huwag nang magsalita tungkol sa kaso. Sa July 2 nakatakda ang susunod na hearing at, ayon sa abogado ni Baron, nakahanda ang kanilang kampo.

Ayon kay Atty. Alentajan, "Wala naman kaming hinihinging settlement, e. Akala nila babayaran sila ni Baron dahil nagdemanda siya? Sinusuwerte siya! Abangan n'yo na lang. Di ba, kung maakyat ‘yan sa husgado, e, di abangan ninyo ang mga trial sa husgado."

Tinanong rin ng The Buzz kung sino ang mga representative ni Baron na pumupunta sa kanyang hearing. Ito ang naging pahayag ni Atty. Alentajan: "Mga fans niya na nag-volunteer sa kanya na kami na lang ang haharap diyan. Babae kontra sa babae kasi kalaban ni Baron babae, e."

Newer Posts Older Posts Home